Thursday, October 30, 2008

Sweetest Pain II

October 7, 2008

It was my usual every week check up... I was gonna ask my doctor (Dr. Kaku this time) kung kailan talaga due ko coz supposed to be October 4 based on my last mentrual period. I thought another week na naman coz I don't feel any symptom yet. Then when he IE me, pinatawag nya sa nurse agad si Honey who`s waiting then outside... Akala ko kung ano na, my gosh bigla ako kinabahan...

He said that I have to be admitted na.. di na daw ako pauuwiin. May nakita yata sya water leaks "down there".. Upon hearing that, mixed emotions ako, excited and scared at the same time. Si honey full smile naman. That time, I didn`t feel any pain yet. Kaya I thought, swerte ko naman, baka di nako maglabor, agad na sya lalabas.


Pina-admit na nga ako, binihisan pa nga ako ng nurse =) Napaka-warm talaga ng staff and nurse sa hospital ko. Actually, maliit lang sya, 2 flloors, 10 private rooms... 1 dining room. Parang nasa house ka lang pero pang hotel ang service =)

Honey went home to get our things. My gosh, yung ni-ready ko lang, mga damit ni baby. Mga gamit ko lang daw dapat dalhin coz the hospital will provide for the baby`s stuff. Ang dami ko pa binalak dalhin sa hospital, di naman alam ni honey kung saan saan nakalagay mga things ko, and you know naman mga guys, tamad maghanap.


Sarap ng lunch ko, sinerve sa room ko... U know when you say hospital food, parang ayaw mo na kainin right. Pero iba talaga service ng maternity hospital ko. They really know patients' satisfaction. After ng lunch, na-feel ko na yung sinasabi nilang "my water bag has broken..." ... kaya pala pinampers ako ng makapal ng nurse kasi ang dami pala lalabas... not only once... soo warm and ang sarap ng feeling na may lumalabas na warm water from you.... Then nagsidatingan na mga visitors ko, family. Some said, agad daw sya lalabas kasi lumabas na tubig, worse daw pag blood... yung iba naman, warning nila ako, umpisa pa lang daw yan =(

Which is right, exactly 9pm, sumakit na tyan ko... Wala pa naman ako kasama coz di pwedi magstay ang family sa room, until 8pm lang mga visitors. My gosh every 3-5 mins sumasakit, pero yung sakit last about 1min. Di na ko nakatulog coz every time na nakakatulog ako, dun yung sobrang sakit pero bearable pa naman. Sabi nga ni sistah JL, enjoy ko lang ang labor of love... I thought, this is it na pero sabi ng nurse, di pa bumababa... Madaling araw na yun... Dinextrose na nila ako para daw magbaba sya, di ko gets ano yung sinasabi nila. Pero wala ako masabi service nila, ang bait and they encourage you talaga, parang kapamilya.


October 8

Akala ko before lunch ok na, kasi non stop yung sakit. Lalo pa sumakit nung mga 1pm na, as in tuloy tuloy na, di na every 5 mins. Di na ko nakakain ng lunch, sarap pa naman... Di ko na rin ma-enjoy yung labor of love sa sobrang sakit =) Naku pinahirapan talaga ko ni baby... Unforgettable experience talaga.


Our lil Bundle Of Joy, delivered at 7:31 pm of October 8, 2008

And yet most memorable naman nung lumabas na sya at 7:31 pm by my favorite Doctor Yamaguchi. All those hours of unbearable pains become the sweetest pain of my life. Dun ko na din na-appreciate sinasabi ni JL na labor of love. As in you'll forget lahat ng sakit naramdaman and nararamdaman mo. Tinatahi pa ni Doc yung ano ko pero di ko man na-fi-feel coz I was in cloud 9, overjoyed, while looking at them, my husband, the nurse and the baby...


memorable polaroid photo by the hospital (service)


Kainis nga lang yung mga no-ready ko na video cam and camera, di nadala ni honey sa Operating room sa sobrang panic.. naglowbat pa yung mga fone namin kaya konti lang na-captured =(

Sa mga friends ko na preggy din, enjoy nyo ang pregnancy nyo. When the time comes, don't be scared. All worth it. Wag sana ma-CS, after kasi yung sakit nun.


my first moment of breastfeeding


In a week, fully recovered na talaga ako. Super enjoy na pagiging mom... They all love her, kahit mga neighbors namin, kakatuwa. Sarap ng feeling, lalo na pag may OYUWAI kami natatanggap hehe... but of course, it would be greater if my loveones and friends in PI were here with me.

As of now, 3 weeks old na sya... Miss ko na yung first 2 weeks nya =). Always sleeping kasi and ang gaan nya. Ngayon medyo bumigat na and namumuyat na sya my godd...

No comments:

Post a Comment